RIGHT TIME
Tamang oras at pagkakataon, minsan sisnisisi pa natin ang sarili natin kung bakit ngayon mo lang nalaman na mahal mo siya. Kung alam mo lang. Ngayon mo lang nalaman kasi ito yung tinatawag na “RIGHT TIME”.
Some think of love as a past time, fling at trip lang. Yung MAHAL niya ngayon, bukas hindi na, BOYFRIEND niya ngayon, pero tanggap niya na isang araw tatawagin din niya iyong “EX”. Matagal nga, Inaabot pa ng taon. Pero ilang TAON??? 1? 2? 3? Tapos kung nagsasawaan na sa mukha, nag-aawayan na at may iba naman na nagtatagal lang ng taon dahil nanghihinayang sa pagsasamahan??? Bata pa masyado ang ganon magmahal…
May iba naman na masyadong seryoso at masyadong sensitibo pagdating sa bagay na yan. Yung tipo ng tao na HANDANG I-RISK ang LAHAT. MAGBIGAY. MAGPARAYA. Para lang doon sa taong mahal nya.
Meron pang iba diyan na pinipigilan ang nararamdaman niya. kasi high school palang, kasi teenager palang. Gusto niya kasi maging sila ng taong yun sa panahong seryosohan na. Na sigurado na siya na siya na yung taong yun nga ang gusto niya makasama pang habang buhay. Kumbaga “RIGHT TIME”.
There is a quotation saying: “I don’t care how many lips you’ve kissed, I don’t care how many women you’ve embraced, i don’t care how many ladies hear you say you love them, all i care is the future..not to be your first but to be your last”.
Masarap magmahal sa isang taong mahal ka rin. Yung feeling mo, soulmate kayo. Kaya kung para sayo talaga yun, ilang taon man kayo hindi magkita, ilang tao man ang mahalin niya, gaano man sya kalayo o marami mang hadalang. Magkikita rin kayo kung talagang para kayo sa isa’t-isa. Hindi hinahanap yan. Kusang dumadating sa “RIGHT TIME”.
————————————————————————————
http://www.filairsoft.com/forum/showthread.php?t=27485 CLICK for the source.